PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Robby Tarroza, binanatan si Sen. Jinggoy Estrada; hinamon na magbitiw o ibubulgar umano ang “double life”

ジェラルド・エリカ・セヴェリーノIpinost noong 2025-09-13 07:50:05 Robby Tarroza, binanatan si Sen. Jinggoy Estrada; hinamon na magbitiw o ibubulgar umano ang “double life”

Manila — Nag-viral sa social media ang matapang na pahayag ng dating aktor at matinee idol na si Robby Tarroza matapos niyang diretsahang hamunin si Senador Jinggoy Estrada na magbitiw sa puwesto.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Tarroza: “Jinggoy mag resign ka na!!! kundi i will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bat kami naghiwalay. I have ALL the receipts dear. Try me! Pareho lang kayo ng EX ko…, BABOY!!”


Dagdag pa ni Tarroza, hawak niya ang lahat ng ebidensya na magpapatunay umano sa sinasabing “double life” ng senador. Binanggit din niya na may kaugnayan umano si Estrada sa isang personalidad na kinilalang si Joed Serrano noong panahon ng kampanya ni Fernando Poe Jr. noong 2004.


Ang pahayag ni Tarroza ay kasabay ng umiinit na isyu laban kay Estrada kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects sa Bulacan. Ilan sa mga contractor ang nagsiwalat na may hinihinging “30% cut” umano sa bawat proyekto na konektado sa senador—bagay na mariin namang itinanggi ng kampo ni Estrada.


Sa panig ng senador, tinawag nitong kasinungalingan ang mga alegasyon at hinamon ang isa sa mga naglabas ng impormasyon, si Henry Alcantara, na sumailalim sa lie detector test.


Samantala, hindi pa nagbibigay ng karagdagang pahayag si Estrada kaugnay ng personal na akusasyon ni Tarroza.


Ang isyung ito ay patuloy na sinusubaybayan lalo na’t tumitindi ang panawagan para sa pananagutan ng mga mambabatas sa gitna ng mga kaso ng korapsyon na kinakaharap ng ilang ahensya ng pamahalaan.


Larawan: Robby Tarroza Facebook