PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Maki, BINI, SB19 at BGYO, Nominado sa 2025 BreakTudo Awards sa Brazil

ジェラルド・エリカ・セヴェリーノIpinost noong 2025-09-12 22:54:58 Maki, BINI, SB19 at BGYO, Nominado sa 2025 BreakTudo Awards sa Brazil

Manila, Philippines — Patuloy na umaarangkada ang Pinoy pop at OPM acts sa international scene matapos masama sa listahan ng mga nominado sa BreakTudo Awards 2025 sa Brazil sina Maki, BINI, SB19, BGYO, at HORI7ON.


Opisyal na inanunsyo ang nominasyon noong Setyembre 9, habang nakatakdang ganapin ang parangal sa São Paulo, Brazil ngayong Nobyembre 2025. Ang BreakTudo Awards ay isa sa pinakamalaking digital award-giving bodies sa Latin America na kumikilala sa mga musikero at pop culture personalities mula sa iba’t ibang bansa.


Kasama sa mga kategoryang pinaglalabanan ng Pinoy acts ang mga sumusunod:

Maki – nominado bilang Asian Artist.

SB19 – nakakuha ng nominasyon sa International Male Group at International Music Video para sa kanilang kantang “DAM”.

BINI – nominado sa tatlong kategorya: International Female Group, International Collaboration of the Year (para sa remix ng “Blink Twice – Dos Veces” kasama si Belinda), at International Fandom of the Year para sa Bloom.s.

HORI7ON – kabilang sa Song by New International Artist para sa kanilang single na “COLD”.

BGYO – nominado sa International Artist on the Rise.


Bukas ang botohan mula Setyembre 10 hanggang Oktubre 10 para sa mga fans na nais suportahan ang kanilang idolo.


Sa social media, agad na nagpasalamat si Maki sa nominasyon sa pamamagitan ng maikling post na “ang random thank u po.” Samantala, ibinahagi ng Star Music PH ang pagkakabilang ng BINI at BGYO sa nominasyon at nanawagan sa fandoms na magbigay suporta.


Ang pagkakasama ng mga Filipino artists sa naturang prestihiyosong parangal ay nakikitang malaking hakbang para sa OPM at P-pop na mas mapalawak pa ang presensya sa international music stage.