Metro Manila, punong-abala sa ASEAN 2026
マリホ・ファラ・A・ベニテス Ipinost noong 2025-09-11 08:18:12
SETYEMBRE 11, 2025 — Inaasahang magiging abala ang Metro Manila sa 2026 bilang punong host ng mahigit 600 pulong kaugnay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sa press conference ng Travel Sale Expo 2025, kinumpirma ni DOT-National Capital Region officer-in-charge Ivannovitch Agote na karamihan sa mga pulong ay gaganapin sa Metro Manila, bagamat may ilan ding nakatakda sa Luzon at Visayas.
“Metro Manila will be busy next year for the ASEAN. There are around 600 plus meetings to be done in the Philippines, so that’s scattered throughout the country from Luzon, Visayas, not sure if there’s any in Mindanao,” ani Agote.
(Magiging abala ang Metro Manila sa susunod na taon para sa ASEAN. May humigit-kumulang 600 pulong sa Pilipinas, ikakalat ito sa Luzon, Visayas, hindi sigurado kung meron sa Mindanao.)
Dagdag pa niya, ang DOT-NCR ang mangunguna sa paghahanda para sa mga aktibidad, na inaasahang tatagal ng buong taon.
“DOT-NCR will be at the helm of preparation for the ASEAN meetings, this is a year-long event next year. That’s really something that we can look forward to. The props are on the way,” sabi ni Agote.
(Ang DOT-NCR ang mangunguna sa paghahanda para sa mga pulong ng ASEAN, ito ay isang taon na aktibidad sa susunod na taon. Talagang may aabangan tayo. Paparating na ang mga kagamitan.)
Karamihan sa mga dadalo ay mga opisyal ng gobyerno, ministro, at mga dayuhang dignitaryo. Samantala, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga bisitang mananatili sa Maynila, batay sa datos ng DOT.
Ang Pilipinas ang magiging tagapangulo ng ASEAN Summit sa 2026, kasunod ng Malaysia. Tatalakayin sa summit ang mga isyu sa seguridad, kooperasyong pandagat, at climate change.
Mahigit ₱17 bilyon ang inirekomendang pondo ng administrasyong Marcos para sa paghahanda sa naturang mga pulong.
(写真:フィリピン通信社)