PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

DPWH, sinuspende ang pagsusuot ng uniporme dahil sa kontrobersiya ng ‘flood control projects’

ロベル・A・アルモゲラIpinost noong 2025-09-10 23:41:30 DPWH, sinuspende ang pagsusuot ng uniporme dahil sa kontrobersiya ng ‘flood control projects’

MANILA — Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pansamantalang suspensyon sa pagsusot ng prescribed uniform para sa lahat ng opisyal at empleyado nito kasunod ng tumitinding galit ng publiko laban sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.

Sa isang memorandum na inilabas noong Setyembre 9, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na ang lahat ng personnel ay “excused from wearing their mandated uniforms until further notice” at “in light of current events.” Gayunpaman, tiniyak ng kalihim na dapat pa rin ang lahat ay dumalo sa trabaho sa angkop at presentable na kasuotan, alinsunod sa pamantayan ng propesyonalismo sa serbisyo publiko.

Bagaman hindi tinukoy ni Dizon ang dahilan ng direktiba, dumating ito sa gitna ng maraming protesta at galit ng publiko laban sa umano’y pandaraya at kickback sa mga flood control projects, kung saan naiuugnay ang ilang mambabatas, opisyal ng DPWH, at mga pribadong kontraktor.

May ulat rin, bagaman hindi beripikado, na ilang DPWH shuttle buses ang inatake nitong mga nakaraang araw. Nitong nakaraang linggo, nagtipon ang mga nagngangalit na mamamayan sa harap ng compound ng mga kontrobersyal na kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya sa Pasig City, kung saan pinalo ang gate ng putik at sinpray-paint ang salitang “Magnanakaw” sa pader.

Ang hakbang na ito ng DPWH ay tila isang precautionary measure habang patuloy ang imbestigasyon at panawagan ng publiko para sa transparency at accountability sa pamamahagi at paggamit ng pondo sa mga proyekto ng gobyerno. (Larawan: DOTr / Google)