Diskurso PH
Translate the website into your language:

Curlee Discaya may kaso na niloloko pa? Sarah Discaya, may ‘affair’ sa bodyguard ayon kay Mon Tulfo

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-13 15:17:09 Curlee Discaya may kaso na niloloko pa? Sarah Discaya, may ‘affair’ sa bodyguard ayon kay Mon Tulfo

MANILA — “Double whammy para kay Curlee Discaya: Malapit na siyang makulong pero ang mas masakit ay may ibang lalake ang kanyang esposa na si Sarah.” Ito ang pasabog na pahayag ni veteran broadcaster Ramon “Mon” Tulfo sa kanyang Facebook post nitong Oktubre 13, kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng Discaya couple.

Ayon kay Tulfo, iniiputan umano sa ulo si Curlee ng personal na bodyguard ng kanyang asawa, si Sarah Discaya. “Noong wala daw si Sarah sa hearing at sinabi ni Curlee sa mga senador na di niya kasama dahil busy ito sa trabaho, nasa Edsa Shangri-La pala si Sarah at ang bodyguard,” aniya. Dagdag pa ni Tulfo, “Ginagantihan daw ni Sarah si Curlee dahil sa pambabae nito.”

Ibinunyag din ni Tulfo na nasa CCTV ng hotel ang pagtatagpo ni Sarah at ng kanyang bodyguard. “Sabi ng aking espiya, matagal na raw ang relasyon ni Sarah at ng bodyguard,” dagdag pa niya. Tinapos niya ang post sa linyang, “When it rains, it pours.”

Ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ay kasalukuyang nahaharap sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., “Today, the BIR will file multiple tax charges against the Spouses Discaya and their Corporate Officer. We have assessed a total tax liability of P7,182,172,532.25”.

Ang kaso ay kaugnay ng hindi pagbabayad ng individual income taxes, excise taxes sa siyam na luxury vehicles, at documentary stamp taxes sa diumano’y divestment mula sa apat na construction firms na pag-aari ng Discaya couple. Isa sa mga kumpanyang ito ay ang St. Gerrard Construction, na nasangkot sa mga umano’y anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Dahil dito, naging resource persons sina Curlee at Sarah sa Senate inquiry kung saan pinangalanan nila ang ilang mambabatas na umano’y sangkot sa mga iregularidad, kabilang si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.

Sa gitna ng legal na gulo, lumalalim pa ang personal na krisis ng mag-asawa. Bagama’t wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Curlee at Sarah Discaya, patuloy ang pag-usbong ng mga espekulasyon sa publiko.