PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Nadine Lustre, nanindigan laban sa environmental destruction sa Siargao

ジェラルド・エリカ・セヴェリーノIpinost noong 2025-09-21 14:46:26 Nadine Lustre, nanindigan laban sa environmental destruction sa Siargao

Siargao – Nanindigan si aktres Nadine Lustre laban sa naganap na pagkasira ng kalikasan sa Tuason Beach, Siargao, kasabay ng paglilinaw na wala silang kinalaman ni Chris sa kontrobersyal na proyekto.


Sa isang pahayag na ipinost sa kanyang Instagram, sinabi ni Lustre na sila ay “deeply affected” sa insidente at iginiit na dapat papanagutin sa batas ang mga responsable.


“It goes against every law of nature and must be held accountable under the law, and we fully acknowledge and support that,” aniya.


Aminado si Lustre na mas mabigat ang sitwasyon dahil kaibigan nila ang sangkot. Gayunman, nilinaw niyang hindi nila kinukunsinti ang nangyari. “There is no excusing what happened, and we do not condone it,” dagdag niya.


Binigyang-diin ng aktres na bago pa nila nalaman ang isyu, nagsimula na ang imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). “Had we known of these plans earlier, we would have opposed them outright. It is unjust to be linked to a project we had no knowledge of and no part in,” paliwanag niya.


Iginiit din niya na mananatili ang kanilang adbokasiya para sa kalikasan at sa isla ng Siargao. “Our focus is, and always will be, on giving back to the island and its people… the work was never about recognition or popularity, but about doing what is right,” aniya.


Sa huli, umaasa si Lustre na magsilbing aral ang pangyayari upang mas paigtingin ang proteksiyon sa kalikasan ng Siargao. Nanawagan din siya sa mga ahensya ng gobyerno at mga residente na magtulungan sa pagtutok sa mga kaso ng environmental destruction na matagal nang problema ng isla.