PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

‘It’s time to use our voices’ — Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally sa Setyembre 21

ロベル・A・アルモゲラIpinost noong 2025-09-21 00:26:30 ‘It’s time to use our voices’ — Anne Curtis, makikiisa sa anti-corruption rally sa Setyembre 21

MANILA Sa gitna ng kanyang pagkilala bilang isa sa top celebrity taxpayers ng bansa mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), hindi nag-atubili si Anne Curtis na gamitin ang pagkakataon upang ipahayag ang kanyang saloobin hinggil sa usapin ng katiwalian at tamang paggamit ng buwis.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ng aktres ang kanyang natanggap na award, ngunit mas umani ng pansin ang kanyang makahulugang mensahe:

“Bilang mga taxpayers it allows us to ask an important question: Saan ba talaga napupunta ’yung taxes natin lahat?”

Pinuri niya ang sakripisyo ng mga Pilipino na araw-araw kumakayod para sa pamilya, mula sa mga mahahabang biyahe hanggang sa hirap na dala ng baha at iba pang suliranin, ngunit sa kabila ng buwis na binabayaran, marami pa rin ang hindi nakikinabang sa kaunlaran.

Bagama’t mariin niyang pinanindigan ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis, nilinaw ni Anne na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang pondong ito ay ginagamit nang wasto:

“I DO BELIEVE in paying taxes — when they’re used for the growth of our nation, the betterment of our communities, and most importantly, in support of our fellow Filipinos who need the extra hand. Specially, for the youth and children who don’t have access to proper nutrition and education.”

Samantala, ikinagalak ng kanyang mga fans ang kumpirmasyon ng aktres na siya’y makikilahok sa nalalapit na anti-corruption rally sa Luneta sa darating na Setyembre 21, kasama ang kanyang mga kapwa Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ogie Alcasid.

Para kay Anne, mahalaga ang sama-samang paninindigan:

“It’s time we use our voices.”

Ang kanyang pahayag at pagsama sa kilos-protesta ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming Pilipino na nananawagan ng tapat na pamamahala at pananagutan mula sa mga namumuno. (Larawan: Anne Curtis / Fb)