Diskurso PH
Translate the website into your language:

Demand sa AI courses sa Pinas, sumisirit habang banta sa trabaho tumitindi

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-12-14 15:28:05 Demand sa AI courses sa Pinas, sumisirit habang banta sa trabaho tumitindi

DISYEMBRE 14, 2025 — Sa gitna ng pangamba na mapalitan ng artificial intelligence (AI), mas dumarami ang Pilipinong nag-eenroll sa mga kursong may kinalaman dito. Ayon sa ulat ng Coursera, umabot sa 125,000 ang nag-enroll sa generative AI courses ngayong taon — doble ang bilis kumpara noong nakaraang taon. Tinatayang may isang Pilipino na pumapasok sa AI class kada pitong minuto.

Dalawa sa mga kursong ito ang pumasok sa sampung pinakapopular sa bansa: “AI for Everyone” ng DeepLearning.AI (No. 4) at “Introduction to AI” ng Google (No. 10). Malakas din ang interes sa mga programang inaalok ng Google, IBM, at DeepLearning.AI.

“We’re seeing sustained interest in AI, data, cybersecurity and essential workplace skills — a combination that will anchor the country’s transition toward a more digital and globally competitive workforce,” ayon kay Ashutosh Gupta, managing director para sa Asia at Pacific ng Coursera. 

(Nakikita namin ang tuloy-tuloy na interes sa AI, data, cybersecurity at mahahalagang kasanayan sa trabaho — isang kombinasyon na magsisilbing pundasyon sa paglipat ng bansa tungo sa mas digital at pandaigdigang kompetitibong workforce.”)

Bukod sa AI, mabilis ding lumago ang mga kursong nakatuon sa praktikal na aplikasyon gaya ng prompt engineering, paggamit ng AI sa paghahanap ng trabaho, at pagpapahusay ng produktibidad. 

Sa labas ng teknolohiya, kabilang sa top 10 ang digital marketing, e-commerce, mental tools, at mga wika tulad ng Korean at English.

Batay sa datos ng Coursera, 95 porsyento ng mga Pilipinong nag-aral ay nakaranas ng positibong resulta sa kanilang karera — mula sa bagong trabaho hanggang promosyon. Samantala, 98 porsyento ang nagsabing nakatulong ito sa personal na aspeto gaya ng kumpiyansa at pakiramdam ng tagumpay. Halos 39 porsyento ang nag-ulat ng mas mahusay na performance sa trabaho matapos ang kurso.

Kabilang sa pinakamabilis na lumalaking kasanayan ngayong taon ang AI-assisted productivity, operational efficiency, project execution, cybersecurity, digital resilience, communication at human capital development. 

Gayunman, nananatiling hamon ang banta ng AI sa trabaho. Tinukoy ng International Monetary Fund na 30 porsyento ng mga trabaho sa Pilipinas ay apektado ng AI, at 14 porsyento ng manggagawa ang nanganganib na ma-displace.



(Larawan: Yahoo)