PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Rep. GMA, Naghain ng Panukalang Nagpapalawak sa Kapangyarihan ng OVP

ジェイビー・コーアンIpinost noong 2025-09-06 10:31:25 Rep. GMA, Naghain ng Panukalang Nagpapalawak sa Kapangyarihan ng OVP

Naghain si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo ng House Bill 4215, na layong palawakin at gawing mas matatag ang Office of the Vice President (OVP).


Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng charter ang OVP na magtatakda ng malinaw na istruktura, mandato, at kapangyarihan. Sa kasalukuyan, limitado lang ang tungkulin ng OVP bilang support office ng Bise Presidente at nakadepende sa taunang budget na ibinibigay ng Kongreso.


Kung maisasabatas, mas magkakaroon ng awtonomiya at mas matatag na pondo ang OVP para makapagsagawa ng mga programa at proyektong nakatutok sa pambansang kaunlaran. Layunin din nitong gawing mas institusyonal ang papel ng tanggapan, hindi lamang bilang ceremonial office, kundi bilang aktibong katuwang ng pamahalaan.


Sa mga nakalipas na taon, nakaranas ng malaking bawas sa pondo ang OVP na nakaapekto sa lawak ng mga programa nito. Ang panukalang charter ay nakikita bilang paraan para bigyan ng proteksyon at katatagan ang opisina laban sa ganitong sitwasyon.


Kasalukuyang nakabinbin ang House Bill 4215 sa House of Representatives at dadaan pa sa mga pagdinig at deliberasyon bago isumite sa plenaryo para sa mas malawak na talakayan.


Larawan mula sa Rep. Gloria Macapagal Arroyo Facebook Page