PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Legend vs Legend: Tyson at Mayweather, magsasagupaan sa isang exhibition match

ロベル・A・アルモゲラIpinost noong 2025-09-05 23:38:27 Legend vs Legend: Tyson at Mayweather, magsasagupaan sa isang exhibition match

Las Vegas — Magbabalik sa entablado ng boksing ang dalawang alamat ng sport matapos kumpirmahin na sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr. ay magtatagisan sa isang exhibition match sa susunod na taon.

Ayon sa CSI Sports/Fight Sports, silang mangunguna sa promosyon ng laban, bagama’t hindi pa inilalabas ang eksaktong petsa, venue, at broadcast platform.

Si Mayweather (50-0, 27 KOs), 48 anyos, ay retiradong undefeated champion at huling lumaban noong 2017 nang patumbahin niya ang MMA superstar na si Conor McGregor. Simula noon ay nakipagbakbakan na siya sa walong exhibition fights, kabilang ang laban kay Logan Paul at pinakahuli kontra John Gotti III noong Agosto 2024.

“Kung gagawin ko ito, siguradong magiging malaki at makasaysayan. Ibibigay ng exhibition na ito ang inaasam ng mga fans,” pahayag ni Mayweather.

Samantala, si Tyson (59-7, 44 KOs), 59 anyos, huling lumaban noong Nobyembre 2024 laban kay Jake Paul sa Texas. Bagama’t natalo siya via unanimous decision, nagtala ang laban ng 65 milyong sabayang manonood sa Netflix, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng sports streaming.

“Hindi ko inakalang papayag si Floyd… pero gusto niya, kaya tuloy na ito,” ani Tyson. “Hindi ito magiging maganda para sa kanyang kalusugan.”

Magkaibang-magkaiba ang timbang ng dalawang alamat—si Tyson ay tumimbang ng 228.4 pounds sa laban kay Paul, habang 160.8 pounds naman si Mayweather sa huling laban niya.

Ayon sa mga organizer, inaasahang babasagin ng event na ito ang lahat ng record sa broadcast at streaming, at inaasahang gaganapin sa isang world-class venue.

Ilalabas sa mga darating na buwan ang kompletong detalye gaya ng rounds, timbang, at format ng laban. (Larawan: BBC / Google)