Diskurso PH
Translate the website into your language:

Good News! Future doctors ng Quezon, libre ang pag-aaral sa College of Medicine ng SLSU

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-23 23:29:30 Good News! Future doctors ng Quezon, libre ang pag-aaral sa College of Medicine ng SLSU

QUEZON PROVINCE — Isang malaking hakbang tungo sa mas matatag na sektor ng kalusugan ang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Dra. Helen Tan, matapos ipahayag na magiging libre na ang pag-aaral sa College of Medicine ng Southern Luzon State University (SLSU).

Sagot ng provincial government ang lahat ng gastusin ng mga estudyanteng kukuha ng kursong Medisina sa ilalim ng Priority Courses Scholarship and Return Service Program. Layunin nitong tulungan ang mga kabataang Quezonian na may pangarap maging doktor ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng mas malawak na adbokasiya ni Gov. Tan na palakasin ang health system ng probinsya sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong doktor na maglilingkod sa kanilang sariling komunidad.

Kabilang sa mga benepisyo ng programa ang libreng tuition, allowance, at iba pang kinakailangang suporta sa pag-aaral. Kapalit nito, inaasahang magsisilbi ang mga iskolar sa mga ospital at health centers sa Quezon matapos nilang makapagtapos at makapasa sa board exam.

Sa ilalim ng liderato ni Gov. Tan, isang lisensyadong doktor, patuloy na pinatitibay ng Quezon Province ang mga programang pangkalusugan upang matiyak ang serbisyong may malasakit para sa bawat Quezonian. (Larawan: Doktora Helen Tan / Facebook)