Paalam, Baek Se-hee: Sikat na manunulat ng ‘I Want to Die but I Want to Eat Tteokbokki’ pumanaw sa edad 35
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-17 18:52:20
Oktubre 17, 2025 – Nagpaiwan ng lungkot sa mga tagahanga at sa literary world ang balitang pumanaw si Baek Se-hee, ang sikat na Korean author na sumikat sa kanyang best-selling memoir na I Want to Die but I Want to Eat Tteokbokki. Siya ay 35 taong gulang nang siya’y pumanaw, pero iniwan niya ang isang napakalaking impact sa mga mambabasa at sa mundo ng mental health awareness.
Ayon sa Korea Organ Donation Agency, nakatulong si Baek na mabuhay ang limang tao sa pamamagitan ng kanyang organ donation—kasama ang puso, baga, atay, at parehong bato niya. Talagang kahanga-hanga at inspiring ang huling gawa ng manunulat bago siya nagpaalam.
Ang kanyang aklat na I Want to Die but I Want to Eat Tteokbokki, na lumabas noong 2018, ay hindi lang basta memoir. Ibinahagi ni Baek ang kanyang mga karanasan sa depresyon, lalo na ang dysthymia o persistent depressive disorder, at mga therapy sessions niya kasama ang kanyang psychiatrist. Maraming readers ang na-relate sa kanyang pagiging honest at open sa pakikibaka sa mental health—isang bagay na bihirang makita sa publiko sa Korea at sa ibang bansa.
Bukod sa mental health, tinalakay rin ni Baek sa kanyang libro ang tungkol sa dating, pagiging babae, at ang mga ups and downs ng buhay. Dahil sa kanyang tapat na storytelling, naisalin na ang kanyang akda sa mahigit 25 wika at milyon-milyong kopya ang naibenta sa buong mundo.
Noong 2019, naglabas din siya ng sequel na I Want to Die but I Still Want to Eat Tteokbokki, na patuloy ang pagtutok sa mental health at personal struggles. Ang dalawang aklat na ito ay hindi lang simpleng libro—ito ay naging inspirasyon at comfort para sa maraming tao, lalo na sa kabataan at kababaihan na nakararanas ng katulad na pakikibaka.
Maraming fans ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pasasalamat sa legacy ni Baek, na sa kabila ng maagang pagpanaw, ay nananatiling inspirasyon sa pagbabasa, pagsusulat, at pagiging bukas tungkol sa mental health.
Baek Se-hee’s story reminds us na kahit sa pinakamadilim na parte ng buhay, mayroong pag-asa, at sa kanyang munting paraan, nakapagbigay siya ng liwanag sa buhay ng iba.