PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Pagtaas ng tenyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia, dahil sa pag-alis ng barbed wire na bakod

アナ・リンダ・C・ローサスIpinost noong 2025-09-17 20:22:36 Pagtaas ng tenyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia, dahil sa pag-alis ng barbed wire na bakod

Bangkok, Thailand –– Umano’y tinanggal ng ilang grupo mula Cambodia ang barbed wire fence na itinayo ng Thai Army sa Ban Nong Chan, Sa Kaeo Province. Ang bakod ay inilagay bilang pananggalang sa mga delikadong  lugar at para sa kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga lugar na may landmine.


Ayon sa tagapagsalita ng Army na si Maj. Gen. Winthai Suvari na noong Setyemre 17,2025 ng  3:40 PM, nakatanggap ang Royal Thai Army ng ulat mula sa Burapha Forces hinggil sa mga puwersa ng Cambodian na nagdala ng humigit-kumulang 200 katao upang magprotesta sa mga aksyong Thai na kinasasangkutan ng paglalagay ng mga bakod at concertina wire malapit sa Thai na Distrito ng Kahok.


Batay sa ulat ng mga opisyal, ilang indibidwal mula Cambodia, na  may kaugnayan sa mga lokal na awtoridad, ang nagtanggal ng bahagi ng barbed wire fence na inilagay ng Thai forces upang markahan ang pinag-aagawang teritoryo. Sa isang insidente, isang sundalong Thai ang nasugatan nang tangkain nitong pigilan ang pagtanggal. Bunsod nito, nagpadala ng dagdag na pwersa ang Thai Army sa lugar at nagbabala na magtatalaga ng riot police kung magpapatuloy ang naturang mga aktibidad.


Dagdag pa ni  Ma. Gen Winthai  sa ganap na  4:20 PM, dahil sa pagpapakita ng marahas na kilos ng Cambodian ay gumamit ng tear gas at rubber bullet ang mga opisyal ng Thai upang makontrol ang sitwasyon. Naging sanhi ito ng pag-atras ng mga nagprotesta at mga riot control officer mula sa clash line dahil sa tear gas. Sa humigit-kumulang 5:00 PM, patuloy na pinalakas ng panig ng Thai ang seguridad sa hangganan sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang barbed wire at paggamit ng mga gulong ng sasakyan.


Ang mga pag-uusap sa pagitan ng Thailand at Cambodia sa ilalim ng Regional Border Committee (RBC) at General Border Committee (GBC) ay wala pang malinaw na resolusyon. Nagkaroon ng pagkaantala dahil sa hindi pagkakasundo kaugnay ng pagtanggal ng barbed wire at koordinasyon sa paglilinis ng mga landmine.


“Nanatiling nakatuon ang Thailand sa pagpapanatili ng kapayapaan sa hangganan, ngunit ang mga kilos na nagbabanta sa seguridad ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala,” pahayag ng tagapagsalita ng Thai Army. “Nanawagan kami sa aming mga katuwang sa Cambodia na igalang ang mga diplomatikong mekanismo at pigilan ang karagdagang tensyon.”


Ipinahayag ng Thailand ang kahandaang makilahok sa masusing diyalogo sa ilalim ng mekanismo ng ASEAN at sa pamamagitan ng bilateral na usapan, habang nananawagan sa Cambodia na tiyakin na lahat ng aktibidad sa hangganan ay naaayon sa mga naunang kasunduan.


larawan/google