PH談話
ウェブサイトをあなたの言語に翻訳します。

Asawa ng dating ministro nasawi sa sunog -dulot ng marahas na protesta sa Nepal

アナ・リンダ・C・ローサスIpinost noong 2025-09-10 18:35:18 Asawa ng dating ministro nasawi sa sunog -dulot ng marahas na protesta sa Nepal

Kathmandu, Nepal — Ipinahayag ngayong araw ang pagpanaw ni Rajyalaxmi Chitrakar, asawa ng dating Punong Ministro ng Nepal na si Jhala Nath Khanal, matapos masunog ang kanilang tahanan nang ito’y gamitin bilang target ng marahas na protesta.

Ayon sa mga ulat, pinasok ng mga kabataang kasapi ng kilusang "Gen Z protesters" ang kanilang tahanan sa Dallu, isang distrito ng Kathmandu, at sinunog ang gusali habang si Chitrakar ay nasa loob. 


Hindi lamang katawan ng biktima ang nasalanta. Ayon sa ulat  nakaranas din  siya ng matinding trauma  matapos siyang makulong sa kanilang tahanan habang sinunog ito ng mga nagpoprotestang Gen Z”


Nagtamo siya ng malubhang paso bago pa man ito ma-rescue. Agad siyang dinala sa Kirtipur Burn Hospital, ngunit sa tindi ng pinsalang tinamo ay sa hospital na inaabot ng kanyang pagkamatay.


Ang karahasan na ito ay bahagi ng malawakang pag-aaklas ng Gen Z—itinataguyod ng libong kabataang protesta na nagsimula matapos ipatupad ng gobyerno ang pagbabawal sa  pangunahing social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, WhatsApp, YouTube, at X.


Lumala ang tensiyon at nauwi sa sunog, vandalismo, at marahas na sagupaan; pati ang tahanan ng ilang dating lider at opisyal ay sinunog ng mga nag-aaklas. 

Maging ang Prime Minister residence natatag noong 1903, mas kilala sa Singha Durbar (Lion’s Palace) at tanyag bilang pinaka malaking palasyo sa Asya ay hindi nakaligtas at nilamon na ring ng sunog dulot ng malawakang protesta o riot ng mga kabataan sa bansa.

Samantala, nagpakalat ng mga sundalong Nepali sa ilang lugar sa Kathmandu upang suriin ang pinsalang dulot ng kaguluhan simula noong unang bahagi ng linggong ito.

larawan/google